Lalawigan ng Batanes isinailalim sa ECQ; aktibong kaso ng COVID-19 umabot na sa 121
Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong lalawigan ng Batanes.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Batay sa update na inilabas ng Batanes COVID19 Task Group, may naitalang 100 bagong RT-PCR Positive o Rapid Antigen Positive.
Ayon sa pahayag ng Provincial Government, batay sa DOH Memonrandum No. 2021-0252, lahat ng magpopositibo sa Rapid Antigen Test sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area gaya ng Batanes, ang mga nag-positibo ay maituturing nang “Confirmed COVID-19 case”.
Nakapagtala na ng 135 na total confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan.
Sa nasabing bilang, 121 ang aktibong kaso at 17 naman ang gumaling na.
Wala pa namang naitatalang nasawi sa Batanes dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kasi ay sa Basco na mayroong 94 active cases.
Sumunod naman ang Uyugan na mayroong 10 active cases. (DDC)