Consular office ng DFA sa NCR, Bulacan, at ilang bahagi ng CALABARZON suspendido na simula bukas
Simula bukas, August 4, ay suspendido na ang operasyon ng consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Metro Manila at ilang bahagi ng CALABARZON.
Bunsod ito ng muling pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) guidelines.
Ayon sa abiso ng DFA, ang Office of Consular Affairs (OCA) sa Aseana ParaƱaque City, lahat ng ng Consular Offices (CO) sa Metro Manila, Malolos, Dasmarinas, Laguna at Antipolo ay isasara sa publiko hanggang sa August 18, 2020.
Ang mga passport applicant na mayroong confirmed appointments para sa nasabing mga petsa ay ia-accommodate simula sa August 19 hanggang September 30 2020, Lunes hanggang Biyernes.
Ganoon din ang iiral para sa ibang serbisyo gaya ng Authentication, Civil Registration, at iba pang consular services.
Ang mga apektadong passport applicants ay hindi na kailangang magpa-reschedule o magkansela ng kanilang confirmed appointments.