Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa

Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa

Maghahatid ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 280 kilometers West ng Subic, Zambales.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, Sept. 20 ang MIMAROPA, Western Visayas, Mindanao, at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA at ITCZ.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan dahil sa ITCZ at localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *