PNP nagbabala sa publiko hinggil sa kumakalat na pananakot sa FB
Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa kumakalat na pananakot sa Facebook.
Ayon sa PNP, ipinapadala ang mensahe sa pamamagitan ng Facebook messenger.
Nakasaad sa mensahe ang mga babala na dahil marami ang nawalan ng trabaho ay marami ang na desperado na mang-holdap at mag-akyat bahay.
Nakasaad din sa babala na dapat tiyaking laging nakasarado ang mga pintuan at gate ng bahay.
Ayon sa PNP, ang nasabing impormasyon ay peke at ni-rerecycle upang manakot ng publiko.
Payo ng PNP sa publiko iwasang ipasa ang nasabing mensahe. (DDC)