Mahigit 16,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 16,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Sept. 15 ay umabot na sa 2,283,011 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 16,989 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,076,823 ang gumaling o katumbas ng 91 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 24,123 na gumaling.
170,446 naman ang active cases o katumbas ng 7.5 percent.
Nasa 35,742 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.57 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 214 pang nasawi. (DDC)