269 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 269 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules – September 15, sumampa na sa 44,597 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,143 ang active cases at 41,969 naman ang gumaling.
485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 269 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (100)
Southern Leyte (57)
Northern Samar (36)
Samar (33)
Tacloban City (28)
Ormoc City (6)
Eastern Samar (6)
Biliran (3)
Nakataas na sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Southern Leyte at Biliran.
Pawang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Leyte, Samar at Northern Samar. (DDC)