Pangulong Duterte nakinig sa panawagan ng medical frontliners; NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal isasailalim muli sa MECQ

Pangulong Duterte nakinig sa panawagan ng medical frontliners; NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal isasailalim muli sa MECQ

Muling paiiralin ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ito ay kasunod ng panawagan ng grupo ng mga medical frontliner na ibalik ang ECQ sa NCR at mga kalapit na lalawigan.

Magsisimula ang pag-iral ng MECQ sa nabanggit na mga lugar madaling araw ng Martes (Aug. 4) at tatagal hanggangs August 18.

Sa ilalim ng modified ECQ limitado lamang muli ang mga establisyimentong papayagan na magbukas.

Wala muling bibiyaheng public transportation at tigil biyahe ang mga bus, jeep, taxi, TNVs, LRT at MRT.

Ipinapayo ang pananatili sa bahay ng lahat at tanging ang mga mayroong quarantine pass lamang ang papayagan na lumabas ng kanilang bahay. (END)

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *