Typhoon Kiko lumakas pa; Signal No. 3 nakataas sa bahagi ng Cagayan, Babuyan Is., at Batanes
Lumakas pa ang Typhoon Kiko na ngayon ay nagbabanta na sa Extreme Northern Luzon.
Sa 2PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 190 kilometers east northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:
– extreme northeastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
– eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is., Pamuktan Is., Calayan Is., Panulitan Is.), – southern portion of Batanes (Basco, Mahatao, Uyugan, Ivana, Sabtang)
Signal Number 2 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– rest of Batanes
– rest of Babuyan Islands
– remaining eastern portion of mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo,
Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City,
Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug)
– northeastern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan,
Palanan)
– northeastern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
Habang signal number 1 ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– rest of mainland Cagayan
– eastern portion of Ilocos Norte
Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas)
– rest of Apayao, the northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
– eastern portion of Mountain Province (Paracelis)
– northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
– northwestern and southeastern portions of Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna,
Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Ngayong araw hanggang bukas ng gabi, ang Typhoon Kiko ay magdudulot na ng heavy to intense with at times torrential rains sa northeastern portion of Cagayan kabilang ang Babuyan Islands and Batanes.
Heavy to intense rains naman ang mararanasan sa northern Isabela at sa nalalabing bahagi ng Cagayan.
Moderate to heavy with at times intense rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, northern and central Aurora, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Ngayong hapon posibleng itaas pa ang Signal Number 4 sa Babuyan Islands.
Sa Linggo ng tanghali o gabi inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Kiko. (DDC)