Mahigit 12,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 12,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Sept. 8 ay umabot na sa 2,134,005 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 12,751 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,948,198 ang gumaling o katumbas ng 91.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 20,151 na gumaling.
151,135 naman ang active cases o katumbas ng 7.1 percent.
Nasa 34,672 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.62 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 174 pang nasawi. (DDC)