Ilang mga barangay sa Caloocan City isinailalim sa granular lockdown

Ilang mga barangay sa Caloocan City isinailalim sa granular lockdown

Inilabas na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang mga lugar sa kanilang nasasakupan na isinailalim sa granular lockdown.

Kasunod ito ng pagpapatupad na lamang ng general community quarantine sa buong Metro Manila simula bukas Sept. 8.

May mga kalye sa Barangay 157 at 173 ang nakasailalim sa granular lockdown hanggang Sept. 11.

Sa Barangay 176 at 177 namamn ay mga kalye din ang nakasailalim sa granular lockdown hanggang Sept. 12.

Hanggang Sept. 9 naman ang umiiral na lockdown sa ilang bahagi ng Brgy. 123, 179, at 89.

Habang sa ilang bahagi ng Brgy. 141 ay hanggang Sept. 10.

Total lockdown naman ang ipinatupad sa buong Brgy. 7 hanggang Sept. 11.

Paliwanag ng pamahalaang lungsod, maliit ang Brgy. 7 kumpara sa ibang barangay kaya mas mataaas ang tsansa ng hawaan.

Mayroong 24 na aktibong kaso sa naturang barangay.

Namahagi na ng food packs ang pamahalaang lungsod sa mga pamilyang apektado ng lockdown. (DDC).

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *