144 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

144 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 144 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes – September 6, sumampa na sa 42,612 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,749 ang active cases at 40,396 naman ang gumaling.

467 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 144 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (69)
Southern Leyte (29)
Tacloban City (15)
Eastern Samar (10)
Biliran (10)
Samar (7)
Ormoc City (2)
Northern Samar (2)

Nakataas pa rin sa “high” ang average daily attack rate sa Ormoc City at Southern Leyte. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *