17.9 million na mag-aaral nakapagpatala na para sa School Year 2021-2022 ayon sa DepEd

17.9 million na mag-aaral nakapagpatala na para sa School Year 2021-2022 ayon sa DepEd

Umabot na sa mahigit 17.9 million na mga mag-aaral ang nakapagpatala na o enrolled na para sa School Year 2021-2022.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggag ngayong araw ng Lunes, Setyembre 6, 2021, umabot na sa kabuuang bilang na 17,967,733 ang mga nakapagpatalang mag-aaral na papasok sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, mahigit 12.5 million ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan at mahigit 824,000 naman ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.

Mayroon ding nagpatala na mahigit 18,500 sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Pinakamaraming nakapagpatala nang estudyante ay sa Region 4-A na umabot na sa mahigit 2.6 million.

Kasunod ang Central Luzon o region III na mayroong mahigit 1.8 million enrollees at ang National Capital Region (NCR) na mayroong mahigit 1.7 million enrollees.

Ang Region V at Region VII naman ay kapwa mayroong mahigit 1 million enrollees.

Binuksan na din ng DepEd ang Public Assistance and Action Center nito para sa mga mayroong kataungan hinggil sa proseso ng enrollment.

Maaaring tumawag sa sumusunod na mga numero:

Smart: 09194560027
Globe: 09959218461
Landline:
0286361663
0286331942
0286387529
0286387530
0286387531
0286359871
0286340222
0286388641

Maaring magpatala o mag-enroll hanggang sa September 13, 2021. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *