396 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

396 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 396 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo – September 5, sumampa na sa 42,467 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,785 ang active cases at 40,216 naman ang gumaling.

467 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng 1 pang nasawi.

Ang 396 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (129)
Northern Samar (94)
Southern Leyte (47)
Ormoc City (35)
Biliran (35)
Samar (31)
Tacloban City (24)
Eastern Samar (1)

Nakataas pa rin sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City at Southern Leyte. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *