Ipinatutupad na travel restrictions sa sampung mga bansa, lifted na simula bukas (Sept. 6)

Ipinatutupad na travel restrictions sa sampung mga bansa, lifted na simula bukas (Sept. 6)

Simula bukas September 6, lifted na ang pag-iral ng travel restrictions sa sampung mga bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawiin na ang pinaiiral na travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.

Ayon kay Roque, ang mga biyahero mula sa nasabing mga bansa ay papayagan nang pumasok sa Pilipinas.

Gayunman, kailangan pa rin nilang sumunod sa ipinatutupad na protocols kabilang ang pagsailalim sa COVID-19 test at sa quarantine protocols.

Ani Roque, magkakaroon din ng “Yellow” at “Red” classifications sa mga bansa maliban sa “Green List” na kasalukuyan nang ginagamit.

Ito ay base sa insidente at kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *