Mahigit 20,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 20,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Sept. 3 ay umabot na sa 2,040,568 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 20,310 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,847,701 ang gumaling o katumbas ng 90.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,710 na gumaling.
158,994 naman ang active cases o katumbas ng 7.8 percent.
Nasa 33,871 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.66 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 193 pang nasawi. (DDC)