Medical frontliners hiniling sa gobyerno na ibalik ang ECQ sa Metro Manila
Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga medical frontliner sa bansa na ibalik sa enhanced community quarantine ang Metro Manila st mga kalapit nitong lalawigan.
Sa pahayag ng grupo ng mga medical frontliner na binasa ni Philippine Medical Association president Dr. Jose Santiago Jr., burned out sila sa dami ng mga pasyente sa ospital.
“Our healthcare workers are failing, or falling in as they take care of patients, responding to the call of duty. Our health workers are burned out w/seemingly endless number of patients being brought to us for emergency care and admission,” ayon sa pahayag.
Nangangamba ang grupo na hindi mapagtatagumpayan ng bansa ang COVID-19, kaya nanawagan silang magkarooon ng consolidated plan of action para dito.
Nais ng grupo na ibalik sa ECQ amg Hence, mega Manila hanggang sa Aug. 15.
Habang nakasailalim sa ECQ maari anilang makagawa ng plano para sa pandemic control strategies.
Ipinarerekonsidera din nila ang plano ng DTI na payagan na ang pagbubukas ng mga negosyo gaya ng gyms, fitness centers, review centers, internet cafes, at pet grooming services .
“We understand that imposing the enhanced community quarantine is a complex decision. It could just be one dimension. We must remember that we need healthy People to reinvigorate our economy. All healthcare workers should not bear the burden of deciding who lives and who dies because the health system collapses,” dagdag pa ng grupo.