319 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 319 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes – September 2, sumampa na sa 41,572 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,597 ang active cases at 39,516 naman ang gumaling.
459 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng 3 pang nasawi.
Ang 319 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (139)
Southern Leyte (89)
Tacloban City (26)
Biliran (25)
Samar (19)
Ormoc City (11)
Eastern Samar (8)
Northern Samar (2)
Muling itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City at Southern Leyte. (DDC)