217 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 217 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules – September 1, sumampa na sa 41,256 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,533 ang active cases at 39,265 naman ang gumaling.
456 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 217 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Northern Samar (80)
Leyte (67)
Ormoc City (31)
Tacloban City (15)
Biliran (13)
Southern Leyte (6)
Samar (5)
Muling itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City at Southern Leyte. (DDC)