Sen. Gordon pinag-inhibit ni Sen. Go sa imbestigasyon sa paggamit ng COVID-19 funds

Sen. Gordon pinag-inhibit ni Sen. Go sa imbestigasyon sa paggamit ng COVID-19 funds

Pinag-iinhibit ni Senador Bong Go si Senador Richard Gordon sa pagdinig sa sinasabing iregularidad sa paggatos ng COVID 19 funds.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Go na may maituturing ding conflict of interest sa imbestigasyon ni Gordon dahil ito ang namumuno sa Philippine Red Cross na mayroong multi-million contract sa Philhealth para sa testing.

Sinagot din ni Go ang paninilip ni Gordon na kahit senador na siya ay malapit pa rin siya kay Pangulong Rodrigo Duterte ay patuloy na umaalalay.

Sinabi ni Go na wala siyang nakikitang masama sa pagiging malapit sa Pangulo at pagtulong sa trabaho nito dahil ang interes ng sambayanan ang kanilang isinusulong.

Sa kanyang manifestation, ipinaalala naman ni Gordon na hindi ang Red Cross ang nag-alok ng kanilang serbisyo at sa halip ay ang gobyerno ang humingi ng kontrata sa kanila.

Iginiit din ni Gordon na hindi dapat ilihis ang atensyon sa tunay na isyu na may kaugnayan sa iregularidad sa procurement ng mga medical supplies para sa paglaban sa COVID 19.

Hinimok din ni Gordon ang mga kapwa senador na ipaglaban ang Senado bilang institusyon. (Dang Samson)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *