38 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 38 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes – August 31, sumampa na sa 41,039 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,418 ang active cases at 39,165 naman ang gumaling.
456 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw, makaraang apat pa ang masawi.
Ang 38 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (15)
Samar (14)
Tacloban City (3)
Southern Leyte (3)
Eastern Samar (3)
Muling itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City at Southern Leyte.
Habang nasa medium naman ang average daily attack rate sa Ormoc City, Leyte, Samar, Northern Samar, Eastern Samar, at Biliran. (DDC)