Pangulong Duterte kumpiyansang mananalo sa 2022 vice presidential elections

Pangulong Duterte kumpiyansang mananalo sa 2022 vice presidential elections

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang tyansa niya sa 2022 vice presidential elections.

Sa kaniyang weekly na talk to the nation, sinabi ng pangulo na nagpasya siyang tumakbo sa 2022 elections dahil wala namang oposisyon.

Ayon sa pangulo hindi naman mananalo ang oposisyon sa susunod na halalan.

Una nang kinumpirma ng Malakanyang na tatakbong bise presidente si Pangulong Duterte.

Si Davao City Mayor Sara Duterte naman ay kinumpirma ang Bong Go-Rodrigo Duterte tandem sa 2022 elections. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *