Pulis na nangmolestya umano sa isang quarantine violator sa Bataan isinailalim na sa restrictive custody

Pulis na nangmolestya umano sa isang quarantine violator sa Bataan isinailalim na sa restrictive custody

Isang pulis ang inireklamo ng pangmomolestya sa babaeng quarantine violator sa Bataan.

Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Eleazar, sa reklamong nakarating sa kaniya, naharang ang babae sa Quarantine Control Checkpoint sa isang barangay sa Mariveles.

Dinala ng pulis at isa pang sibilyan na nagmamando din sa checkpoint ang babaeng lumabag sa quarantine protocols sa bboarding house ng pulis at doon ay minolestya nila ang biktima.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si Police Regional Office 3 Dir. Brig. Gen. Val De Leon na imbestigahan ang insidente.

Ang sangkot na pulis na isang patrolman at nakabase sa 2nd Provincial mobile Force Company ay nakasailalim na sa restrictive custody.

Sinabi ni Eleazar na kung mapapatunayang ginawa ng pulis ang krimen ay matatanggal ito sa serbisyo at sasampahan din ng patung-patong na kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *