Pinoy pole vaulter EJ Obiena muling nagtala ng PH record; wagi ng silver medal sa Paris Diamond League
Muling nagtala ng pinakamataas na rekord para sa Pilipinas si Filipino pole vaulter EJ Obiena.
Nagtala si Obiena ng 5.91m na mas mataas sa 5.87m record niya noong Hunyo.
Nagwagi si Obiena ng silver medal sa idinaos na Paris Diamond League.
Tinalo pa ni Obiena si Christopher Nilsen ng US na silver medalist sa katatapos na Tokyo Olypics at si Sam Kendricks mula din sa US na Bronze medalist naman noon sa Rio de Janeiro Games.
Ang pambato naman ng Sweden na si Armand Duplantis ang nakakuha ng gintong medalya matapos makapagtala ng 6.01m. (DDC)