16 na pamilyang naapektuhan ng landslide sa QC, nakalipat na sa isang housing project

16 na pamilyang naapektuhan ng landslide sa QC, nakalipat na sa isang housing project

Nailipat na sa Tradition Homes Housing Project sa Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City ang labinganim na pamilya na naapektuhan ng landslide noong kasagsagan ng Bagyogn Ulysses.

Sa ilalim ito ng Transitional Housing Program ng pamahalaang lungsod para sa mga residenteng biktima ng kalamidad at kasalukuyang naghihintay ng kanilang permanenteng tirahan mula sa National Housing Authority (NHA).

Bago ang paglilipat sa kanilang pansamantalang tahanan, ay isinailalim sa orientation ang 16 na pamilya.

Ang kanilang nilipatan ay mayroon ding maayos na suplay ng kuryente at tubig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *