Usec. Ricardo Jalad nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director at Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ricardo Jalad.
Ayon kay Jalad, nakararanas lamang ng mild symptoms si Jalad at maayos naman ang kondisyon nito.
Sumasailalim na sa isolation si Jalad.
Si Jalad ay fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Una nang sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na mayroong 116 na tauhan ng Office of the Civil Defense na nagpositibo sa sakit. (DDC)