65 LSIs nakauwi na ng Bohol ayon sa Coast Guard
Nakarating na sa Tagbilaran Port, Bohol ang BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) na lulan ang 65 na locally stranded individual (LSI) mula Maynila.
Pagdating sa pantalan, sinalubong sila ng mga frontline personnel mula sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Agad nagsagawa ng disembarkation at health protocol sa mga LSI.
Nag-abang din sa pantalan ang mga sasakyang maghahatid sa mga LSI sa designated quarantine facility para sa 14-day mandatory quarantine bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang pamilya.
Noong july 28, una nang naihatid ng barko ng Coast Guard na BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Cabra (MRRV-4409), at BRP Malapascua (MRRV-4403) sa tagbilaran port ang 265 na LSI.
Sila ay pawang benepisyaryo ng “Hatid Tulong Program” ng pamahalaan.