Binabantayang LPA ng PAGASA lalabas ng bansa sa susunod na 24 na oras

Binabantayang LPA ng PAGASA lalabas ng bansa sa susunod na 24 na oras

Nasa bahagi na ng Iba, Zambales ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 225 kilometers West Northwest ngIba, Zambales o sa layong 250 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan.

Nananatiling maliit ang tsansa ng LPA na maging isang ganap na bagyo.

Sa forecast ng PAGASA, ang direksyon ng LPA ay west-northwestward at maaring makalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na 24 na oras.

Sa Rainfall Forecast para sa araw na ito hanggang bukas, makararanas ng monsoon rains ang Batanes, eastern Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, eastern Isabela, Aurora, Pangasinan, Zambales, Bataan, Mindoro Provinces, Romblon, Palawan, Antique, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *