72 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 72 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes – August 17, sumampa na sa 38,581 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,211 ang active cases at 36,933 naman ang gumaling.
437 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng dalawa pang nasawi.
Ang 72 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (27)
Ormoc City (18)
Samar (13)
Tacloban City (7)
Southern Leyte (4)
Eastern Samar (3)
Nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Ormoc City. (DDC)