131 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala ng PNP
Nakapagtala ang Philippine National Police ng mahigit 100 pang bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, nakapagtala din ng dagdag na 131 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambasang pulisya.
Dahil dito umabot na sa 32,364 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 30,314 ang gumaling na at 1,959 pa ang aktibong kaso.
Nasa 91 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi makaraang makapagtala ng dalawang dagdag pa na pumanaw. (DDC)