226 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 226 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes, August 12, sumampa na sa 37,912 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,216 ang active cases at 36,266 naman ang gumaling.
430 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 226 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Northern Samar (59)
Tacloban City (21)
Ormoc City (23)
Leyte (64)
Samar (17)
Southern Leyte (15)
Eastern Samar (21)
Biliran (6)
Kapwa nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Tacloban City at Ormoc City. (Dona Dominguez-Cargullo)