65 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 65 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes, August 10, sumampa na sa 37,498 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,359 ang active cases at 35,710 naman ang gumaling.
429 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 65 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (30)
Ormoc City (15)
Tacloban City (6)
Southern Leyte (5)
Samar (5)
Northern Samar (2)
Eastern Samar (2)
Kapwa nasa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City at Ormoc City. (Dona Dominguez-Cargullo)