ECQ ayuda sisimulan nang ipamahagi sa Caloocan
Sa araw ng Miyerkules, August 11 ay sisimulan nang ipamahagi ang ECQ ayuda sa Caloocan City.
Ayon sa Caloocan City local government, P1.3 billion ang kabuuang cash assistance mula sa national government.
Ang pamamahagi ng ayuda ay gagawin muling by schedule sa pamamagitan ng barangay caravans.
Makakatanggap ng text message mula sa USSC ang mga benepisyaryo kalakip ang reference number at schedule kung kailan dapat i-claim ang ayuda.
Ayon sa guidelines ng national government, ang mga makakatanggap ng cash aid ay ang mga benepisyaryo rin na nakatanggap ng unang ECQ ayuda.
Ang bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng P1,000 o hanggang P4,000 kada pamilya. (DDC)