Isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Dahil sa panibagong suplay ay umabot na sa 20.5 million na bakuna ng Sinovac ang kabuuang dumating sa bansa kabilang ang 1 milyon na donasyon ng gobyerno ng China.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief Implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr., hahatiin ang mga bagong dating na bakuna sa NCR Plus 8, Cagayan De Oro, Iloilo Province, Iloilo City, Aklan at Ilocos Region.
Base ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na damihan ang suplay ng bakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng Delta variant.