Dagdag na P3M ibibigay ni Pangulong Duterte kay Hidilyn Diaz
Nag-courtesy call si Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz kay Pangulong Rodrigo Duterte, Miyerkules (July 28) ng gabi.
Sa virtual courtesy call, sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya si Diaz ng “fully furnished” house and lot sa hometown nito sa Zamboanga City.
Inihayag din ng pangulo na bibigyan niya si Diaz ng karagdagang tatlong milyong piso, bukod pa ito sa 10 million pesos na matatanggap ng Pinay weightlifter mula sa pamahalaan alinsunod sa batas.
Idinagdag pa ng punong ehekutibo na gagawaran si Diaz ng Presidential Merit Medal dahil sa pagbibigay nito ng karangalan sa bansa. (Infinite Radio Calbayog)