LPA binabantayan ng PAGASA sa Virac, Catanduanes; magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 310 kilometers east ng Virac, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, malilit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA.
Pero dahil malapit na ito sa kalupaan, ang LPA ay maghahatid na ng malawakan at kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at sa Eastern Visayas.
Ang Metro Manila naman, Calabarzon, Mimaropa, Zamboanga Peninsula at nalalabi pang bahagi ng Visayas ay makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na papg-ulan dahil sa LPA.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.