Manila City government naghahanda na sa posibleng lockdown

Manila City government naghahanda na sa posibleng lockdown

Pinaghahandaan na ng Manila City government ang posibilidad na magpatupad ng lockdown sa lungsod bunsod ng pagtaas ng kas ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Nagpatawag na ng emergency meeting si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at local government health officials para talakayin kung paanong maiiwasan ang paglaganap ng Delta variant.

Inatasan ng alkalde ang Manila Disaster and Risk Reduction Management Office, Manila Barangay Bureau, at ang Manila Police Department na maging alerto at handa sakaling kailanganin ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Nakipag-ugnayan na din si Moreno sa anim na district hospitals, sa Manila COVID-19 Field Hospital at sa Manila Health Department sakaling magkaroon muli ng surge ng COVID-19 cases sa lungsod.

“Ayaw na nating marinig na may mga namatay sa parking lot dahil wala nang space sa ospital. Grabeng dagdag pasakit ‘yun,” ani Domagoso. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *