Unified pension para sa military at uniformed personnel ipinasusulong ni Pangulong Duterte sa kongreso

Unified pension para sa military at uniformed personnel ipinasusulong ni Pangulong Duterte sa kongreso

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na ipasa ang unified system sa pagreretiro at pensyon ng mga military at uniformed personnel.

Sa kaniyang State of the Nation Address, sinabi ng pangulo na nais niyang magkaroon ng unified system para sa separation, retirement at pension ang mga MUP.

Nais din ng pangulo na magkaroon ng libreng legal assistance para sa mga alagad ng batas na masasampahan ng kaso dahil sa pagganap sa tungkulin.

Sinabi ng pangulo na dapat may nakukuhang tulong ang mga pulis at mga sundalo sa mga kasong isinasampa sa kanila na may kaugnayan sa kanilang trabaho.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *