Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,600; dagdag na 162 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,600 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, July 16 ay 1,496,328 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,676 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,421,372 ang gumaling o katumbas ng 95 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,670 na gumaling.
48,480 naman ang active cases o katumbas ng 3.2 percent.
26,476 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.77 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 162 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)