Mahigit 1.1M doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng pribadong sektor at LGUs dumating na sa bansa
Dumating sa bansa araw ng Bieyrnes (July 16) ang mahigit 1.1 million doses ng AstraZeneca vaccines.
Ang 1,150,800 doses ang unang shipment ng AstraZeneca vaccines na binili ng pribadong sektor at local government units.
Dumating sa NAIA Terminal 1 ang eroplano lulan ang mga bakuna at sinalubong nina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr, Health Secretary Francisco Duque III, Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, at British Embassy in Manila deputy head of mission Alastair Totty.
Binili ang nasabing mga bakuna ng LGUs at private sector sa ilalim ng programang “A Dose of Hope” ni Concepcion.
Dahil sa pagdating ng mga bagong doses, umabot na sa 6,858,900 na AstraZeneca doses ang dumating sa bansa.
Kabilang dito ang 1,124,100 doses na donasyon ng Japanese Government at ang 4,584,000 doses na galing sa COVAX facility. (Dona Dominguez-Cargullo)