Second dose vaccination ng Sinovac sa Las Piñas City pansamantalang ihihinto
Pansamantala munang itinitigil ang pagbabakuna ng second dose ng ng Sinovac sa Las Piñas City.
Ito ay dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna mula sa national government.
Sa pahayag ng Las Piñas City Government, humingi ito ng pang-unawa sa publiko.
Pinayuhan din ang mga residente na abangan lamang po ang susunod na anunsyo ukol sa pagkakaroon ng bakuna ng Sinovac at ang schedule ng ikalawang dose nito. (Dona Dominguez-Cargullo)