Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 108 kilometers southeast ng Sarangani alas 12:24 ng tanghali ng Linggo, July 11.
May lalim na 32 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.