Mahigit 3.2 million na katao fully-vaccinated na ayon sa DOH

Mahigit 3.2 million na katao fully-vaccinated na ayon sa DOH

Mayroon nang mahigit 3.2 million na indibidwal ang fully-vaccinated na ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Batay sa Daily Vaccination Report mula sa National Vaccination Operations Center, 12,703,081 doses ng bakuna ang naiturok na.

Sa nasabing bilang, 9,493,839 ang para sa 1st dose at 3,209,242 na indibidwal ang nabigyan na ng 2nd dose.

Ang weekly accomplishment sa pagbabakuna ay umaabot sa 1,654,064.

Nakasaad din sa datos na mayroon nang 295,888 na nasa A5 category (poor population) ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna at 24,492 sa kanila ang nabigyan na ng second dose. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *