259 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 259 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes, July 9, sumampa na sa 32,136 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,821 ang active cases at 29,911 naman ang gumaling.
323 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 259 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Eastern Samar (83)
Leyte (73)
Tacloban City (33)
Northern Samar (26)
Samar (21)
Southern Leyte (12)
Ormoc City (10)
Biliran (1) / (Dona Dominguez-Cargullo)