Mahigit 6,000 residente ng Montalban, fully-vaccinated na
Nasa mahigit 6,000 na residente ng Montalban sa lalawigan ng Rizal ang fully-vaccinated na.
Sa inilabas na datos ng Municipal Health Office ng bayan ng Montalban, mayroong 20,735 na mga residente ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Sa nasabing bilang, 6,510 ang tumanggap na ng second dose o maituturing nang fully-vaccinated.
Sa ngayon ay pawang A1, A2, A3 at A4 category ang binabakunahan sa Montalban.
Ayon sa datos, 27,245 na bakuna na ang naiturok sa mga residente ng Montalban.
Mayroon pang 1,573 na natitirang bakuna na gagamitin sa para sa 2nd dose.
Pansamantala namang itinigil ang pagbabakuna ng first dose sa mga vaccination sites habang naghihintay ng supply ng bakuna mula sa DOH.
Bukas pa rin ang online registration ng A1-A4.
sa ngayon batay sa datos, mahigit 14,000 na ang nakarehistro para sa vaccination.
Hindi pa sila nabibigyan ng schedule dahil wala pang suplay ng bakuna. (BVD)