6 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa; 2 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 6 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw Huwebes, July 8, sa kabuuan 20,922 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa kabuuan ng nasabing bilang, 12,381 na ang gumaling habang 7,296 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,245 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19 makaraang makapagtala ng 2 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)