PNP hindi pinagtatakpan at kinukunsinte ang mga nagkakamali nilang tauhan
Hindi pinagtatakpan at kinukunsinte ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito.
Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar patunay dito ang pagsasampa ng reklamong homicide laban sa mga pulis ng Laguna na kabilang sa nagkasa ng anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkasawi ng isang teenager.
“This is proof that the PNP will not shield its personnel. Kung may akusasyon, imbestigahan at sampahan ng kaso kung kinakailangan. I have repeatedly said that I will not tolerate police abuse in the organization,” ani Eleazar.
Base sa resulta ng isinagawang Fact-finding Investigation ng binuong Task Group sa pamumuno ni Police Regional Office 4-A director, BGen Eliseo DC Cruz, naghain ng reklamong homicide laban sa sampung pulis na pawang tauhan ng Laguna Police Provincial Office (PPO).
Sa ikinasa nilang operasyon ay nasawi ang 16 anyos na si Jhondie Helis.
Kasama sa inireklamo ang pinuno ng team mula sa Laguna PPO Intelligence Branch na si PCapt Fernando Credo.
“For now, hayaan nating gumulong ang kaso ng mga pulis na kinasuhan at hintayin natin ang magiging resolution nito. Let us allow the City Prosecutor to appreciate the submitted evidence and facts of the incident,” apela ni Eleazar. (Dona Dominguez-Cargullo)