Physician Licensure exams sa Setyembre itutuloy na ng PRC

Physician Licensure exams sa Setyembre itutuloy na ng PRC

Tuloy na ang pagdaraos ng part 2 ng Physician Licensure Examinations sa Setyembre 2020.

Inaprubahan ng Profesional Regulations Commission (PRC) ang rekomendasyon ng Professional Regulatory Board of Medicine na maituloy na sa Sept. 20 hanggang 21 ang part 2 ng eksaminasyon.

Ang kukuha ng nasabing pagsusulit ay ang mga nakapag-take ng part 1 ng exams noong March 8 hanggang 9.

Sinabi ng PRC na inaprubahan na rin ito ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pamamagitan ng Resolution No. 58.

Tugon ito sa pangangailangan ng pamahalaan na magkaroon ng karagdagang mga doktor sa bansa ngayong mayroong Public Health Emergency.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *