Mahigit 6,000 biktima ng bagyong Auring sa San Miguel, Surigao del Sur tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

Mahigit 6,000 biktima ng bagyong Auring sa San Miguel, Surigao del Sur tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

Tumanggap ng tulong mula sa tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahigit 6,000 biktima ng kalamidad sa San Miguel, Surigao del Sur.

Ang 6,277 na benepisyaryo ay pawang biktima ng pananalasa ng Typhoon Auring.

Tumanggap ng grocery packs, meals, face masks, face shields, at vitamins ang nasa 2,335 na beneficiaries noong June 23; 1,718 beneficiaries June 24; at 2,224 beneficiaries noong June 25.

Isinagawa ang pamamahagi sa tatlong magkakahiwalay na aktibidad sa Poblacion Gym, Tina Covered Court at Magroyong Covered Court.

May mga tumanggap din ng bagong sapatos at bisikleta.
May nabigyan din ng computer tablets to some beneficiaries that are intended for their children’s education.

Sa kaniyang mensahe binigyang pagkilala ni Senator Go ang mga ahensya ng gobyerno sa kanilang kontribusyon para maka-recover ang mga nasalanta ng bagyo.

May mga kinatawan din ng Department of Social Welfare and Development ang namahagi ng tulong-pinansyal sa mga recipient habang ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture ay namahagi ng suplay ng vegetable seeds.

Nagsagawa naman ng on-site registration ang ang Department of Trade and Industry para sa posibilidad na mabigyan ng negosyo at livelihood support ang mga residente.

Habang nagsagawa ng evaluation ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga kwalipikadong makatanggap ng komensasyon.

Ang Technical Education and Skills Development Authority naman ay nagsagawa din ng assessment sa mga posibleng tumanggap ng kanilang scholarship program.

Ayon kay Nerso Flores, isa sa mga benepisyaryo nagpapasalamat sila sa tulong ng senador sa kanilang komunidad.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Presidente Duterte at kay Bong Go, ang ating Senador, maraming salamat po sa kanyang ibinigay sa amin, masaya po kami at malaking tulong po ito. Maraming salamat po,” ani Flores.

Kaugnay nito tiniyak ni Go sa mga residente na isusulong ang pagpasa sa Senate Bill No. 1228 na naglalayong makapagtayo ng evacuation center sa bawat lungsod, munisipalidad at lalawigan sa bansa.

Kasabay nito bilang chairman ng Senate Committee on Health, hinimok ni Go ang mga nangangailangan ng atensyong medikal na lumapit sa Butuan Medical Center sa Butuan City kung saan naroroon ang Malasakit Center.

Mayroon nang 121 Malasakit Centers sa buong bansa at umabot na sa mahigit dalawang milyong Pinoy ang nakinabang dito.

“Marami pong nawalan ng trabaho, marami pong nagsara na negosyo, kaya mga kababayan ko, magpabakuna na po kayo para naman po ito sa kapakanan ng nakararami. Magtiwala lang ho kayo sa gobyerno,” ayon kay Go,

Binanggit din ni Go ang mga proyekto sa lalawigan kabilang ang pagbili ng fire truck at mini dump truck sa Bayabas, water system projects sa Brgy. Madreliño sa Cortes, pagtatayo ng access roads sa San Agustin, at iba pa. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *