PHIVOLCS binawi ang pahayag na hindi galing sa Bulkang Taal ang haze sa Metro Manila; sulfur dioxide mula sa bulkan umabot ng NCR at mga karatig na lalawigan

PHIVOLCS binawi ang pahayag na hindi galing sa Bulkang Taal ang haze sa Metro Manila; sulfur dioxide mula sa bulkan umabot ng NCR at mga karatig na lalawigan

Binawi ng PHIVOLCS ang nauna nitong pahayag na hindi ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal ang dahilan ng haze na naranasan sa Metro Manila.

Sa inilabas na abiso ngayong umaga ng Miyerkules, sinabi ng PHIVOLCS na base sa mas malinaw na satellite image, noong June 28 ang Sulfur Dioxide mula sa Bulkang Taal ay umabot sa Batangas, Cavite, Laguna, Maynila, Rizal, Bulacan, Pampanga, at Zambales.

Noong June 29 naman, mas malayo pa ang narating ng sulfur dioxide.

Umabot ito sa Batangas, Cavite, Metro Manila, Laguna, Rizal, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Bulacan, Bataan, Pampanga, Zambales, Pangasinan, Tarlac, La Union, Benguet, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, at Aurora.

Sinabi ng PHIVOLCS na bilang bahagi ng kanilang monitoring strategy, palagiang tinitingnan ang open satellite data information para sa volcanic SO2 at thermal flux ng mga aktibong bulkan sa bansa.

Kahapon ng tanghali ay nakita sa web portals ng Ozone Mapping Instrument (OMI) ng NASA at Ozone Mapping and Profiler Suite (OMPS) ng Suomi National Polar-Orbiting Partnership Satellite na ang SO2 plumes mula sa Taal Volcano noong June 28 at 29 ay lumalat sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales Provinces at sa National Capital Region.

Sa satellite detection noong June 29 ay umabot pa ito sa mas maraming lalawigan sa Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *