Gastusin sa pagpapagamot kapag nakaranas ng serious adverse events matapos mabakunahan kontra COVID-19 sasagutin ng Philhealth

Gastusin sa pagpapagamot kapag nakaranas ng serious adverse events matapos mabakunahan kontra COVID-19 sasagutin ng Philhealth

Sasagutin na ng Philhealth ang mga gastusin sa pagpapaospital ng mga makararanas ng serious adverse events matapos mabakunahan ng COVID-19.

Ayon kay Philhealth Vice President Shirley Domingo, ito ay sa ilalim ng kanilang COVID-19 Vaccine Injury Compensation Package.

Ang pondo para sa nasabing programa ay magmumula sa Indemnity Fund na ilalaan ng Department of Budget and Management (DBM).

Maaring magamit ang Philhealth package kung nakaranas ng serious adverse events matapos mabakunahan at na-ospital, nakaranas ng permanent disability o kaya ay nasawi.

Ang maximum amount para sa hospitalization ay P100,000.

Kung nagkaroon naman ng permanent disability o nagresulta sa pagkasawi, makakakuha ng lump sum na P100,000.

Para makakuha ng Philhealth claim sa ilalim ng nasabing programa, ang claimant ay kailangang nabakunahan sa ilalim ng COVID-19 vaccination program, ang bakuna na ginamit sa kaniya ay walang Certificate of Product Registration mula sa FDA, ang resulta ng assessment ay nagpapakita na ang reaction ay vaccine product related o vaccine quality defect related. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *